DONE IN 2 MINUTES | P 443-M Budget ng Office of the Vice President, agad naaprubahan ng Kamara
Inaprubahan ng House of Representatives appropriations committee sa loob ng dalawang minuto ang proposed budget ng Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.
Personal na dumalo sa budget hearing si Vice Pres. Leni Robredo. Ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles, agad nilang inaprubahan ang proposed budget bilang respeto sa Bise Presidente.
Sa isang ambush interview, ipinaliwanag ni Robredo ang P443.946 million proposed budget ng kanyang opisina. Mas mataas ito ng 3.58 percent mula sa approved 2017 budget na P428.618 million.
Nagpasalamat din si Robredo sa malaking tiwala sa kanya ng mga kongresista.
Tradisyon na ng Kamara na agad na aprubahan ang budget proposals ng OVP at ng Office of the President.
By: News5 August 16, 2017
Source: News5
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY)
I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento