Paggamit ng Maute Group sa armas ng gobyerno, kakalkalin



Inatasan ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexie Nograles ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na imbestigahan ang ulat na kabilang sa pinagmumulan ng bala ng Maute Group ay ang mismong arsenal ng gobyerno at private ammunition manufacturers.
Sa pagtatanong ng mga mambabatas sa budget hearing ng DND, inamin mismo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na sa clearing operations sa mga pinagtaguan ng Maute Group sa Marawi ay may narekober na mga kahon na may marking ng government arsenal gayundin marka ng Armscor Philippines.
Aminado naman si Government Arsenal Chief Retired Major General Jonathan Martir na hindi na nila namo-monitor ang distribusyon ng bala na gawa sa arsenal plant sa Bataan matapos itong ma-turn-over sa Logistics Command ng AFP.
Nababahala si Nog­rales na kaya hindi nauubusan ng bala ang Maute Group sa labanan sa Marawi ay dahil napapasakamay nito ang bala ng gobyerno.
“The worst thing that we can have is magkaroon tayo ng mga ganitong encounters (in Marawi) tapos ang ginagamit na bala ng mga kalaban natin ay galing sa government arsenal,” pahayag ni Nograles.
Samantala sa naganap na deliberasyon ng budget ng DND sa Kamara ay lumitaw na tinapyasan din ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2018 budget nito mula P224.439B ay naging P195.4B na lamang. 
By   August 16, 2017

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY)

I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mga Dangerous Sex Position na Dapat Ninyong Iwasan

Aquino-Cojuangco Dark Secrets!

OFFICIAL STATEMENT OF ISABEL GRANADA'S HUSBAND