TRILLANES VS. FAELDON | Sen. Antonio Trillanes IV: “Alam mo, silence means yes… sumagot ka or else…”
MANILA, Philippines – Muling pinuntirya ni Sen. Richard Gordon sa pagdinig ng Senado ang kapalpakan at korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) dahilan para makalusot ang P6.4-B shabu shipment mula China. Sa simula pa lang ng hearing, nagkagirian na sina Sen. Antonio Trillanes IV at BOC Comm. Nicanor Faeldon.
Ayon kay Sen. Gordon, malaking pera ang nananakaw sa gobyerno dahil sa kapabayaan ng BOC. Sa kompyutasyon nga raw ni Sen. Chiz Escudero, aabot na sa P98-B ang nakokolektang “tara” o payola, ng umano’y Customs broker na si Mark Taguba.
Dismayado rin daw si Sen. Gordon sa aksiyon ng BOC at National Bureau of Investigation (NBI) sa isyu dahil halos tatlong buwan na mula noong Mayo ang nakalipas nang mahuli ang shipment sa warehouse sa Valenzuela pero hanggang ngayon ay wala pa ring maayos na nakakasuhan.
Tukoy na raw nila ang dalawang Taiwanese na sangkot sa pagpasok ng shipment pero dapat pa ring habulin ang iba pang kasabwat nito.
Gusto ring pagpaliwanagin ng Senado ang Customs officials ng China kung ano ang naging papel nila dahil matatandaang sila raw ang nagtimbre sa kanilang counterparts sa Pilipinas tungkol sa mga kontrabando.
Pinuna rin ni Sen. Gordon ang tila hindi pag-uugnayan ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) dahilan ng paglala ng korapsyon sa pangongolekta ng mga buwis.
Ilang beses tumangging sumagot si Faeldon sa tanong ni Sen. Trillanes. Wala na raw kasing saysay na magpaliwanag pa gayong ang dami nang ibinintang ni Sen. Trillanes sa kanya.
Ilang beses tumangging sumagot si Faeldon sa tanong ni Sen. Trillanes. Wala na raw kasing saysay na magpaliwanag pa gayong ang dami nang ibinintang ni Sen. Trillanes sa kanya.
Sen. Trillanes to Faeldon: “Alam mo silence means yes.”
Faeldon to Gordon: “If you would allow me your honor, he (Trillanes) already made allegations that I’m at the center of the shabu smuggling, it is really baseless for me to answer his questions”
Tinabla naman ito ni Sen. Trillanes at sinabing mali ng intindi ni Faeldon sa mga naging pahayag niya.
Sen. Trillanes: “Faeldon failed to read properly what I said, I said he was at the heart of the controversy”
Nagmatigas si Faeldon kaya nagbanta na si Sen. Trillanes.
Sen. Trillanes: “During the campaign ikaw ‘yung nagbibida-bida ng allegations, tinatanong kita kung may corruption sa BOC, sumagot ka or else I will move to cite you in contempt.”
Namagitan na si Sen. Gordon sa dalawa at nakiusap kay Faeldon na sagutin ang tanong ni Sen. Trillanes. Pinayuhan niya rin ang dalawa na huwag idamay ang Senate hearing sa kanilang personal na away.
Sen. Gordon: “There may be something between you ni Sen. Trillanes at kung kayo’y may alitan ‘wag niyo dalhin dito. Nakikiusap ako sa’yo (Faeldon) sagutin mo, I will be patient, I promise not to raise my voice today”
Bukas daw si Faeldon na sagutin ang tanong ng sinuman sa Senado maliban kay Sen. Trillanes. Ayaw daw niyang patulan ang mga alegasyon nito lalo na’t marami nang nadamay dahil sa anomalya sa BOC.
Faeldon: “There are so many innocent families who have been affected by this controversy.”
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdinig ng Senado sa isyu.
Samantala, sinampahan na ng reklamo ng NBI ang dalawang Chinese businessmen, Customs broker na si Mark Taguba at anim na iba pa kaugnay ng P6.4-B shabu shipment na nakalusot sa BOC.
By: News5 August 15, 2017
Source: News5
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY)
I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento